21 October 2012
San Pedro Calungsod, Ikalawang Pilipinong Santo
Nakatingin lamang sa Diyos...
Tangan ang palmera na sumisimbolo ng tagumpay, hindi niya kundi ni Kristo...
Hawak ang Doctrina Christiana na siyang isinabuhay niya bilang saksi sa Katoliko Kristiyanong pananampalataya...
at handang humakbang kung saan man ipadala...
Ngayong taon ng pananampalataya at pandaigdigang linggo ng misyon, nagagalak tayong mga Pilipino sa pagsasabilang kay Pedro Calungsod sa mga hanay ng mga santo.
Nawa ay magsilbi siyang halimbawa ng kabanalan, pagsasakripisyo, paghihirap para sa pananampalataya, at pagtataya ng buong sarili para sa Diyos.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami!
SAN PEDRO CALUNGSOD, HUWARAN NG MGA KABATAAN
Titik ni Timoteo M. Ofrasio, SJ -- Musika ni Arnel Aquino, SJ
Inawit ng Tinig San Jose at Himig Heswita
1. Sa 'yo'y pagpupúgay handóg nami't álay
Sántong kaláhì at aming kabánay ,
Huwárang tángì ng mga kabatáan,
Magíting na anák ng kabísayáan.
2. Pagsisilbíng ganáp ang tánging hangád,
Átas ni Cristo'y tapát na tinupád,
Maáyong Balitâ ay ipínamanság,
Kaháyag ni Cristo ay iyong pinasínag.
KORO:
San Pedro Calúngsod, túnay na huwáran
San Pedro Calúngsod, angay pagasúndon
sa mga kabatáan.
3. Nahímong katábang ng páring butíhin
Na si Diego Luís, sa kanyang gawáin
Sa maláyong dapít piníli n'yang itanghál
Kaligtásan ng táong sa Diyos ay mahál.
4. Hindi ka nasindák sa lupít at dahás
Na dúlot ng bangís ng imbíng kaáway
Sa baybáyin ng Tumhón sa pulóng Mariánas
Gawásnon n'yang gihálad ang sarili n'yang búhay. (Koro)
CODA:
Pedro Calúngsod, isa kang huwáran
Ng mga kabatáan sa panínindígan
Panig-íngnan ikaw sa 'yong katátagán
Sa 'yo nawa'y matúlad ang aming kabatáan! (Koro)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment