san jose.
ang ama ni kristo sa kanyang pamumuhay sa mundo.
kilala bilang isang manggagawa.
bihasa sa pag-likha at pag-kumpuni ng samu't saring bagay.
sanay sumunod sa plano batay sa inatas na gawain.
handang sumukat, gumamit ng lagari, martilyo at pako.
masigasig. masipag. tahimik.
iilan lang ang naisulat tungkol sa kanya sa bibliya.
marahil ito ay dahil siya ay isang tahimik na manggagawa sa kaharian ng diyos:
bilang ama-amahan ni hesus,
bilang maybahay ni maria,
bilang haligi ng tahanan ng kanilang pamilya.
hindi maingay, hindi magarbo, hindi bongga.
walang kaek-ekan. simple lang.
ito ang paanyaya sa akin sa pagsisimula
ng aking ikatlong taon sa teolohiya,
ika-apat na taon sa san jose,
at ika-labindalawang taon sa loob ng seminaryo:
tularan ang halimbawa ni san joseng manggagawa
tahimik ngunit epektibong nagtratrabaho ay nag-aalay ng buhay
para sa diyos at sa bayan.
deo gratias.
No comments:
Post a Comment