i am reposting a blogpost from my previous blog on one of my visits to my alma mater, the our lady of guadalupe minor seminary. it's always a pleasure looking back at that chapter of my life inside the walls on that seminary on top of the hill overlooking the pasig river.
habang naghihintay ng mga kaklase para sa monday alumni basketball games, naisipan kong magikot sa aking tahanan noong ako'y nasa high school pa lamang. ito ay hindi isang ordinaryong paaralan: ito ay ang our lady of guadalupe minor seminary sa tabi ng edsa at bernardino street, guadalupe viejo, makati city.
matagal-tagal na rin ako noong huli akong nakapunta dito. ngunit dahil sa regular na alumni basketball games kada lunes, nagkaroon ako ng pagkakataon upang libutin muli ang lugar. salamat sa aking iphone (naks!), kumuha ako ng ilang mga piling larawan mula sa lugar na ito.
nakakatuwang balik-balikan ang mga ala-ala na nakapinta sa lugar kung saan ako'y namalagi at lumago sa loob ng apat na taon. ngayong ako'y nasa labas pa ng seminaryo, malaking tulong para sa akin ang sariwain ang mga karanasan sa mga lugar na aking pinangalingan.
laking guadalupe, maipagmamalaki!
complete photo album? click here.
No comments:
Post a Comment