hango sa isang pagninilay noong ako'y sumailalim sa banal na pagsasanay ni san ignacio de loyola.
san jose. isa siyang mangagawa, isang karpintero.
sanay siyang sumunod sa plano: sa mga bagay na eksakto ang sukat, tama ang hulma, lapat sa isa't isa.
ngunit nang tumugon siya sa tawag ng diyos, hindi niya nagamit ang kanyang pagiging karpintero.
nalagay siya sa situwasyon kung saan hindi niya matantsa ang sukat, hindi maipagkasya sa hulma ang mga pangyayari, at hindi mailapat ang dapat pag-isahin... isang situwasyon na labag sa planong kanyang hinanda.
ngunit sa pagtugon ng isang karpintero sa tawag ng diyos, natuto siyang bumitiw - bumitiw sa kanyang pagnanais na sumunod ang lahat ayon sa kanyang sariling plano.
sapagkat, ang plano ng diyos ang nananaig sa lahat, maging sa kanyang buhay.
MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SAN JOSE SA INYONG LAHAT!
No comments:
Post a Comment